Lumaktaw sa pangunahing content

#35

Kinalimutang Yugto


Humihingi ako ng paumanhin sa mga iniwan ko'ng bakas, 

pati sa mga bagay na nagpapaalala sa'yo ng ating wakas.


Hindi naging maganda ang mga nangyari bago tuldukan ang pinagsamahan, 

nanlalamig at nanginginig na inabot sa'yo ang aking kamay upang maayos na magpaalam.


Patuloy na umaalingawngaw sa tainga ang lumipas na panahon,

ilang puno na rin ang nagsilagas at matiyagang sumibol nang walang oras na sinusunod.


Kumportable tayong nakaupo noon sa ilalim ng kadiliman, 

natitiis ang malamig na Nobyembre dahil sa kwentuhang umaabot sa sukdulan. 


Ngayon ko lang napagtanto na hindi naging mabait sa atin ang naturinang tadhana, 

unti-unting tinutunaw ng oras ang munting alaala na ikaw ang nilalaman.


Ngayon ay malabo na sa'kin ang nangyari nitong nagdaan, 

ngunit sariwa pa rin ang matinding panghihinayang.


Palaging hirap makahinga, 

mga mata ko'y mariin na nakapikit.


May nakapatong na malaking bato sa'king dibdib,

at para ba'ng may mga nakatusok na karayom na maliliit.


Alam ko'ng hindi na tayo ang minsan natin'g nakilala,

tinatagong damdamin ang humubog sa kung sino tayo sa kasalukuyan. 


Humihingi ako ng paumanhin sa mga iniwan ko'ng sugat,

maniwalang hihilom din 'yan kapag ito'y pinabayaan at hindi na kailanman hahawakan pa.


ー侘寂.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

#64

‘Tigal’ Gigising ng maaga para panoorin ang panibagong araw na magsimula. Walang iniintindi kundi ang mga hubog ng ulap at sarili ko lang. Ang payapa na dito ko lang nakukuha, hinding hindi ko ipagpapalit kailanman. Dahil dito lang nararamdaman na ako lang ang nag-iisa. Ngunit sa isa pang ikot ng langit ay muling mawawala ang liwanag. Babalik na lamang sa munting silid. Titiisin ang dilim pati ang lamig nitong dala. Hanggang sa mangibabaw na ang takot at pagsisisi. Sa tahimik na kwarto ay may tumatakas na impit, at may hindi nakikitang mga kasama. Hahayaan nalang munang magpakalunod at habulin ang hininga. Bago bumangon at pagmasdan ulit ang panibagong araw na magsimula. ー侘寂.

#61

'consistently inconsistent' Tired of running and chasing While facing the doors that were heavily locked  Which is believed to contain endless joy and peace inside of it I don't know when I could catch it up Those were still miles and miles away from my reach So when I sat down, I quietly told myself that, 'You need a strong heart to easily get back on track after a short rest.' I regret that I took advantage of the belief which often happens in films That no matter what hardship takes place, it will always have a happy ending When I realized all that was just made up I can't help but laugh especially at things  That requires effort and struggle Because deep down, I knew I was still weak I know I still can’t do anything in the end I'm shameless to even whine about everything Without even giving my all when I'm trying. ー侘寂.

#49

 A Truce with Life and Death I should have known better To seek out death won't solve it all Perhaps it's the most cowardly thing to do But what can I do when everyone else was so far away All this time I stayed ignorant Because that's how I endured all of their lies Sadness, loneliness, anger---these emotions are the only ones I am familiar with But I shouldn't have fell victim to it What good does it make anyway? To settle with a dead heart has always been an easy way to escape Am I really satisfied with just giving it all up Without even knowing what the sun and trees, the ocean, and seas look like?  A resolve started to slowly build up in my heart I can feel the air filling up my lungs I think this is the first time I can finally breathe It almost felt like I returned from the brink of death  I should have done this from the beginning I should have wished for strength and not my demise I just grew tired of being angry all the time From now on I won't run away...