4:30pm
alipin ng nararamdaman
kahit anong tanggi
kahit anong iwas
bibigay pa rin ang mga tuhod
manghihina ang kalamnan
iiyak kapag masakit
o kapag puno ng hinagpis.
alipin pa rin ng sarili nating damdamin
hindi na binibigyang pansin ang tumututol na isip
apektado sa mga desisyon na akala'y tama
sa mga sinukong alaala na pilit kinakalimutan
walang takas kapag narinig ang pamilyar na tinig
mula sa pusong hindi na maisasalba
walang hangganang pagtitiis sa bulong ng konsensya
habang buhay nang alipin sa sariling karimlan.
ー侘寂.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento