Kinalimutang Yugto Humihingi ako ng paumanhin sa mga iniwan ko'ng bakas, pati sa mga bagay na nagpapaalala sa'yo ng ating wakas. Hindi naging maganda ang mga nangyari bago tuldukan ang pinagsamahan, nanlalamig at nanginginig na inabot sa'yo ang aking kamay upang maayos na magpaalam. Patuloy na umaalingawngaw sa tainga ang lumipas na panahon, ilang puno na rin ang nagsilagas at matiyagang sumibol nang walang oras na sinusunod. Kumportable tayong nakaupo noon sa ilalim ng kadiliman, natitiis ang malamig na Nobyembre dahil sa kwentuhang umaabot sa sukdulan. Ngayon ko lang napagtanto na hindi naging mabait sa atin ang naturinang tadhana, unti-unting tinutunaw ng oras ang munting alaala na ikaw ang nilalaman. Ngayon ay malabo na sa'kin ang nangyari nitong nagdaan, ngunit sariwa pa rin ang matinding panghihinayang. Palaging hirap makahinga, mga mata ko'y mariin na nakapikit. May nakapatong na malaking bato sa'king dibdib, at para ba'ng may mga nakatus...