Lumaktaw sa pangunahing content

#55



"Ano sa tingin mo ang pinakaayaw panoorin nang karamihan ngunit 'di pa rin maiwasang pagmasdan?"


Kasagutan:


Ang pagtakbo ng oras. Ang paglipas ng panahon. Ang pagbabago ng kapiligiran na naaayon sa galaw ng mundo. Itanggi man ng iba, ang pinaka inaayawang tignan ng lahat ay 'yong tanging bagay na may kakayahang sukatin ang hangganan. Marahil sa kadahilanang ayaw natin tanggapin at harapin ang mga bagay na alam natin na unti-unting mawawala. Ikinakahiya natin ang pagiging mahina at alam natin na wala tayong kapangyarihan para kontrolin ang oras.

Kaya bilang tao, ang naiwan lamang sa'tin ay isang malaking responsibilidad na bigyan nang halaga ang bawat bagay na alam natin na hindi habambuhay mananatili sa'ting palad. Maraming takot gawin ito dahil wala silang alam kung paano, o kaya'y wala silang tiwala sa sarili na magagawa nila 'yon. Ngunit para sa'kin ay 'wag gawing basehan ang halaga nang isang bagay mula sa pananaw ng iba, dahil ang dapat na mas alalahanin ay kung paano tayo napasaya nito habang nagagawa pa rin natin ito'ng makita.



ー侘寂.



(bruh idk shit if this made any sense, im taking pain killers rn and i think it affected my decision-making and chose this to be written in tagalog [not that im also good at writing in english] sorry if this executed poorly to whoever is reading this. idc)

Mga Komento

  1. Hindi-nagpakilala1/11/21, 2:25 AM

    Makata, matalinhaga ��

    TumugonBurahin
  2. Hindi-nagpakilala1/21/21, 1:16 AM

    If this is purely written by you, no solid references on other contexts. Ang galing mo! bilang anonymous reader mo, payo ko na dalasan mo pa sanang mag-sulat sa Tagalog, mas malinaw at mas may diin ang mga salita, kapag madiin - may madadama, pag may pang-dama - mas dama mo at ng nakakabasa na tao ka at sila. Padayon, sulong!

    TumugonBurahin
  3. Hindi-nagpakilala1/23/21, 11:40 PM

    Sa bahat liriko ng mga sanaysay mo dahan dahan kong nababasa nilalaman ng damdamin mo pero may tanong na bumabagabag sa isipan ko, paano naikukubli ng iyong magagandang ngiti ang ganito kalalim mong pighati? Di man tanaw sa maamo mong mukha, pero i wish I can offer you a hug?

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

#29

  Drug Antagonism The candles we lit up are slowly burning out. The days for us are nearing its end. An unstoppable train came fast approaching, with unsteady breaks that made us wonder where we might end up crashing.  One thing is certain. We'll end up in different places. Different path. Different world. Different lives.  And this is the last time that we'll ever get to see our faces.  The bitter-sweet moments we shared would feel like a dream. We'd eventually forget our promises, secrets, and committed sins.  Everything about us would sink deeper into our subconsciousness, locked away in our memories. Prevent it from ever emerging to keep us away from our conflicts. We've done enough. Finally, we will be on our way as if nothing happened. And that's how it should be. It's better this way. Always been.  ー侘寂.

#35

Kinalimutang Yugto Humihingi ako ng paumanhin sa mga iniwan ko'ng bakas,  pati sa mga bagay na nagpapaalala sa'yo ng ating wakas. Hindi naging maganda ang mga nangyari bago tuldukan ang pinagsamahan,  nanlalamig at nanginginig na inabot sa'yo ang aking kamay upang maayos na magpaalam. Patuloy na umaalingawngaw sa tainga ang lumipas na panahon, ilang puno na rin ang nagsilagas at matiyagang sumibol nang walang oras na sinusunod. Kumportable tayong nakaupo noon sa ilalim ng kadiliman,  natitiis ang malamig na Nobyembre dahil sa kwentuhang umaabot sa sukdulan.  Ngayon ko lang napagtanto na hindi naging mabait sa atin ang naturinang tadhana,  unti-unting tinutunaw ng oras ang munting alaala na ikaw ang nilalaman. Ngayon ay malabo na sa'kin ang nangyari nitong nagdaan,  ngunit sariwa pa rin ang matinding panghihinayang. Palaging hirap makahinga,  mga mata ko'y mariin na nakapikit. May nakapatong na malaking bato sa'king dibdib, at para ba'ng may mga nakatus...

#64

‘Tigal’ Gigising ng maaga para panoorin ang panibagong araw na magsimula. Walang iniintindi kundi ang mga hubog ng ulap at sarili ko lang. Ang payapa na dito ko lang nakukuha, hinding hindi ko ipagpapalit kailanman. Dahil dito lang nararamdaman na ako lang ang nag-iisa. Ngunit sa isa pang ikot ng langit ay muling mawawala ang liwanag. Babalik na lamang sa munting silid. Titiisin ang dilim pati ang lamig nitong dala. Hanggang sa mangibabaw na ang takot at pagsisisi. Sa tahimik na kwarto ay may tumatakas na impit, at may hindi nakikitang mga kasama. Hahayaan nalang munang magpakalunod at habulin ang hininga. Bago bumangon at pagmasdan ulit ang panibagong araw na magsimula. ー侘寂.