Lumaktaw sa pangunahing content

#55



"Ano sa tingin mo ang pinakaayaw panoorin nang karamihan ngunit 'di pa rin maiwasang pagmasdan?"


Kasagutan:


Ang pagtakbo ng oras. Ang paglipas ng panahon. Ang pagbabago ng kapiligiran na naaayon sa galaw ng mundo. Itanggi man ng iba, ang pinaka inaayawang tignan ng lahat ay 'yong tanging bagay na may kakayahang sukatin ang hangganan. Marahil sa kadahilanang ayaw natin tanggapin at harapin ang mga bagay na alam natin na unti-unting mawawala. Ikinakahiya natin ang pagiging mahina at alam natin na wala tayong kapangyarihan para kontrolin ang oras.

Kaya bilang tao, ang naiwan lamang sa'tin ay isang malaking responsibilidad na bigyan nang halaga ang bawat bagay na alam natin na hindi habambuhay mananatili sa'ting palad. Maraming takot gawin ito dahil wala silang alam kung paano, o kaya'y wala silang tiwala sa sarili na magagawa nila 'yon. Ngunit para sa'kin ay 'wag gawing basehan ang halaga nang isang bagay mula sa pananaw ng iba, dahil ang dapat na mas alalahanin ay kung paano tayo napasaya nito habang nagagawa pa rin natin ito'ng makita.



ー侘寂.



(bruh idk shit if this made any sense, im taking pain killers rn and i think it affected my decision-making and chose this to be written in tagalog [not that im also good at writing in english] sorry if this executed poorly to whoever is reading this. idc)

Mga Komento

  1. Hindi-nagpakilala1/11/21, 2:25 AM

    Makata, matalinhaga ��

    TumugonBurahin
  2. Hindi-nagpakilala1/21/21, 1:16 AM

    If this is purely written by you, no solid references on other contexts. Ang galing mo! bilang anonymous reader mo, payo ko na dalasan mo pa sanang mag-sulat sa Tagalog, mas malinaw at mas may diin ang mga salita, kapag madiin - may madadama, pag may pang-dama - mas dama mo at ng nakakabasa na tao ka at sila. Padayon, sulong!

    TumugonBurahin
  3. Hindi-nagpakilala1/23/21, 11:40 PM

    Sa bahat liriko ng mga sanaysay mo dahan dahan kong nababasa nilalaman ng damdamin mo pero may tanong na bumabagabag sa isipan ko, paano naikukubli ng iyong magagandang ngiti ang ganito kalalim mong pighati? Di man tanaw sa maamo mong mukha, pero i wish I can offer you a hug?

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

#64

‘Tigal’ Gigising ng maaga para panoorin ang panibagong araw na magsimula. Walang iniintindi kundi ang mga hubog ng ulap at sarili ko lang. Ang payapa na dito ko lang nakukuha, hinding hindi ko ipagpapalit kailanman. Dahil dito lang nararamdaman na ako lang ang nag-iisa. Ngunit sa isa pang ikot ng langit ay muling mawawala ang liwanag. Babalik na lamang sa munting silid. Titiisin ang dilim pati ang lamig nitong dala. Hanggang sa mangibabaw na ang takot at pagsisisi. Sa tahimik na kwarto ay may tumatakas na impit, at may hindi nakikitang mga kasama. Hahayaan nalang munang magpakalunod at habulin ang hininga. Bago bumangon at pagmasdan ulit ang panibagong araw na magsimula. ー侘寂.

#61

'consistently inconsistent' Tired of running and chasing While facing the doors that were heavily locked  Which is believed to contain endless joy and peace inside of it I don't know when I could catch it up Those were still miles and miles away from my reach So when I sat down, I quietly told myself that, 'You need a strong heart to easily get back on track after a short rest.' I regret that I took advantage of the belief which often happens in films That no matter what hardship takes place, it will always have a happy ending When I realized all that was just made up I can't help but laugh especially at things  That requires effort and struggle Because deep down, I knew I was still weak I know I still can’t do anything in the end I'm shameless to even whine about everything Without even giving my all when I'm trying. ー侘寂.

#62

'puzzle' I've been searching for someone for a long time. Someone who is like a piece of a puzzle. Because I thought if there is a person who can fit perfectly without even a millimeter gap, Then won't that person fill in what I'm missing? I've always been searching for a piece, But the pieces of the perfectly fitting puzzle were scattered individuals from the start. And puzzle pieces that are jammed together, Those only become distorted and warped.  I wonder what it would feel like to be connected, Even with just the palm of their hand. But people are born without a perfect match, So to continue to become one with someone else and fill the gaps, They continue changing forms by coming together, melting away their imperfections. ー侘寂