Muna
Ano'ng ibig mo'ng sabihin,
Sa mga katagang, 'Hindi tayo ganito dati.'?
Masyado ito'ng malabo at hindi na maintindihan
Ang mga salitang lumalabas pa sa 'yong bibig
Hindi ko na maramdaman ang dati nating paghuhumaling
Hindi na kaya ng pag-ibig mo na umabot pa sa'kin
Titigil na muna siguro ako sa pag-iisip at sa pag pilit
Na alamin kung ano ba ang tunay na nangyari
Nandito lang ako sa lugar kung saan ako makahihinga
Kahit na sa iyong tabi ang pinakagusto ko'ng puntahan
Huwag sana lumamig ang panahon para sa'tin
Ngunit pakiramdam ko ay mga alaala nalang ang nalalabi
Sa manipis na taling nakagapos sa ating dalawa.
ー侘寂.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento