"Paghilom"
Dumating sa punto na ang buwan ang natatanging sandalan,
Dito lamang pinapakita ang lahat ng kahinaan at kapaguran.
Gumagaan ang loob sa tuwing tinatamaan ng liwanag na
Mula sa buwan, unti-unting iniibsan nito ang lamig at manhid sa pusong basag.
At sa pag-sapit ng araw ay muling babalik sa reyalidad,
Patuloy lamang sa pagtakbo ang oras at hindi ka nito babalikan sakaling ikaw ay maiwan.
Bumibigat na ang katawan ngunit kailangan ihakbang ang nangangawit na mga paa
Para sa tahanan na nawasak, gagawin ang lahat para maibalik kaya't patuloy pa rin na hihinga.
ー侘寂.
#BangonLuzon
The weight of this post, speaks for the families stranded in the calamity that breaks every heart. I pray for their safety and their well being.
TumugonBurahin