Lumaktaw sa pangunahing content

#3

paalam. salamat.


Tumingala ako sa langit at pinagmasdan kung paano kuminang ang mga bituin sa gitna ng malawakang dilim, napapalibutan ito ng samu't saring paputok na may iba't ibang kulay, laki, at hugis. Napakaganda nitong tignan. Humanga ako nang may isang kakaibang fireworks ang nagpinta sa kalangitan. Pakiramdam ko ay saglit akong bumalik sa pagkabata at tila nahuhumaling sa pinapanood. 


Itinuon ko naman ang tingin sa harap, kasalukuyan akong nasa dagat ng mga taong mahihilig sa musika, nakakatuwang tignan na nagkakaisa ang lahat habang sabay-sabay na binibigkas ang lyrics ng sikat na kantang tinutugtog ngayon. Naghiyawan ang lahat nang biglang tumalon ang bokalista mula sa stage papunta sa mga taong nasa harapan. Tuloy pa rin sa pagtugtog ang ibang miyembro ng sikat na banda at nakikipagtagisan ng galing gamit ang kani-kaniyang instrumentong hawak.


Nakakabingi ang ingay at namamanhid na ang parehong tainga ko. Ngunit himbis na pagtuunan ko pa ito ng pansin ay napapatalon at napapapikit ako habang nakataas ang kamao, dinadamdam ang bawat bigkas sa kantang inihain para sa'min.


Bigla akong napamulat nang may maramdaman akong nakatingin saakin. Lumingon-lingon ako, hinahanap kung saan iyon nanggagaling. Hanggang sa may pamilyar na mukha ako'ng natanaw mula sa malayo, nakalingon ito sa gawi ko at nang naging malinaw sa'kin kung sino 'yon, kasabay nang bagsakan sa stage ay kumabog din ng malakas ang dibdib ko.



Nandito siya. Nandito siya.



Nakatingin siya sa'kin habang may malaking ngisi sa mukha. Para bang tuwang-tuwa siya sa nakikita niya. Agad ako'ng napako sa kinatatayuan ko nang humakbang siya palapit. Hindi pa rin napuputol ang titig namin sa isa't isa, hanggang sa walang hirap siyang nakalapit sa'kin.. na ipinagtaka ko. 


'Sa lawak ng lugar na ito at sa dinami-rami ng taong dumalo para sa iisang event na ito, tinadhana ba kami na magkita at magsama rito?' tanong ko sa sarili, 'di maiwasang makaramdam na kaunting tuwa.


Sinabi niya na nakakapanibago raw sa kanya na makita ako'ng masaya sa isang bagay. Inaasar niya lang ako, sumisimangot ako at inaasar din siya pabalik... at kahit na walang kwenta ang pinag-uusapan namin ay kada may sasabihin ako ay napapatawa siya.



Napahigit ako. Tumatawa siya. Napapatawa ko siya. 



Kada halakhak niya ay napapatigil ako sapagkat ay hindi ko pinapahalata. Pasimple ko rin na dinamdam ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi niya alam kung ano ang epekto sa'kin sa tuwing naririnig ko ang tinig niya.


Tila nabibingi ako at saglit na natutulala sa kaniya, dahil para sa'kin, sa lahat ng kantang naging paborito ko, sa lahat ng bandang tumugtog at tumutugtog ngayon, sa lahat ng pinakinggan ko, ang tawa at boses niya lang ang pinakamagandang musika na narinig ko sa talambuhay ko. Kung kaya't sa kaniya lang ako hindi magsasawang tututok at makikinig.


Hindi alintana ang ingay sa paligid, nawalan ako bigla ng pakialam sa paborito kong kanta na itinutugtog ngayon sa harapan.


At sa gitna ng madla, sa gitna ng hiyawan, sa gitna ng mga taong walang ginawa kundi isigaw ang kanilang nararamdaman, ay nasa kaniya lang ang buong atensyon ko. 


Ngunit pinigilan ko ang sarili. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at ibinalik ang atensyon sa stage. Sinusubukan kong ikalma ang nagwawala kong puso. Nakakuyom ang kamay at iniiwasang madampian siya kahit ang kaniyang damit o hibla man ng kaniyang buhok. 


Ayokong makita niya kung ano ang nagiging epekto niya sa akin, ngayong napakalapit lang niya sa'kin ay nagkakaganito na ako. Mahirap na kapag nahalata niya na mahal ko pa siya.. kahit ilang taon na ang lumipas at hindi manlang niya nalaman. 



Masaya, 'yan ang nararamdaman ko sa gabing ito. Isang bihirang emosyon na minsan ko lang madama, emosyon na siya lang ang nagiging dahilan. Natuto na rin ako'ng makuntento sa ganito lamang, kaya sana.. sana hindi na matapos ang lahat ng 'to. Sana humaba pa ang oras. Ayaw ko pang matapos ang gabi.


Dahil dito ko lang siya nakakasama, dito ko lang ulit siya nakikita. 


At parang ayaw ko na siyang pakawalan pa. 



Kahit na...



"Babe!" Biglang may sumulpot na napakagandang babae mula sa likuran, kahit ang mga tao sa paligid ay panay ang nakaw ng tingin sa kaniya. Humihingal ito at nakapatong ang dalawang kamay sa parehong tuhod. 


Nang marinig ang pamilyar na boses ay agad na napalingon sakaniya ang lalakeng nasa harap ko, at kasabay nang dahan-dahan niyang pagtalikod sa'kin ay ang unti-unting pagkirot ng dibdib ko. 


Para bang bigla niyang nakalimutan na kausap niya ako, na kasama niya ako, na kanina lang ay nag-aasaran kaming dalawa, nagtatawanan kaming dalawa. Bigla nalang niya ako nakalimutan, na para bang wala ako roon, na para bang wala ako rito sa harap niya. 


Humakbang siya palayo sa'kin, hindi na ako nilingon pa. Lumiliit ang kanyang pigura sa paningin ko. Hanggang sa makita ko'ng dinaluhan niya na ang babae. 



Meron ka nang iba.



"Babe!" Bati naman nito pabalik sa girlfriend niyang kararating lang at niyakap ito ng mahigpit. 


Napangiti nalang ako. Hindi ka manlang nagpaalam.


ー侘寂.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

#64

‘Tigal’ Gigising ng maaga para panoorin ang panibagong araw na magsimula. Walang iniintindi kundi ang mga hubog ng ulap at sarili ko lang. Ang payapa na dito ko lang nakukuha, hinding hindi ko ipagpapalit kailanman. Dahil dito lang nararamdaman na ako lang ang nag-iisa. Ngunit sa isa pang ikot ng langit ay muling mawawala ang liwanag. Babalik na lamang sa munting silid. Titiisin ang dilim pati ang lamig nitong dala. Hanggang sa mangibabaw na ang takot at pagsisisi. Sa tahimik na kwarto ay may tumatakas na impit, at may hindi nakikitang mga kasama. Hahayaan nalang munang magpakalunod at habulin ang hininga. Bago bumangon at pagmasdan ulit ang panibagong araw na magsimula. ー侘寂.

#61

'consistently inconsistent' Tired of running and chasing While facing the doors that were heavily locked  Which is believed to contain endless joy and peace inside of it I don't know when I could catch it up Those were still miles and miles away from my reach So when I sat down, I quietly told myself that, 'You need a strong heart to easily get back on track after a short rest.' I regret that I took advantage of the belief which often happens in films That no matter what hardship takes place, it will always have a happy ending When I realized all that was just made up I can't help but laugh especially at things  That requires effort and struggle Because deep down, I knew I was still weak I know I still can’t do anything in the end I'm shameless to even whine about everything Without even giving my all when I'm trying. ー侘寂.

#49

 A Truce with Life and Death I should have known better To seek out death won't solve it all Perhaps it's the most cowardly thing to do But what can I do when everyone else was so far away All this time I stayed ignorant Because that's how I endured all of their lies Sadness, loneliness, anger---these emotions are the only ones I am familiar with But I shouldn't have fell victim to it What good does it make anyway? To settle with a dead heart has always been an easy way to escape Am I really satisfied with just giving it all up Without even knowing what the sun and trees, the ocean, and seas look like?  A resolve started to slowly build up in my heart I can feel the air filling up my lungs I think this is the first time I can finally breathe It almost felt like I returned from the brink of death  I should have done this from the beginning I should have wished for strength and not my demise I just grew tired of being angry all the time From now on I won't run away...