Aeon (tagalog) Patuloy lamang ang takbo ng oras Ni hindi kailanman bumabalik o humihinto Ngunit puwedeng maulit, puwedeng ipagpatuloy Sa ibang araw, sa ibang panahon Tulad na lamang nang makilala ka Nagawa kang mahalin at minahal mo rin ako pabalik Sa mga araw na ikaw ang rason ng ligaya at lungkot Alam ko na sa lahat nang pagkakamali noon, tanging ikaw lang ang naging tamang desisyon Hindi ko manlang magawang pagsisihan Kahit nang tuluyang binalot na ng lamig ang ating pagitan Tayo'y pikit-matang nagpasya na 'wag nang patagalin at ihinto na Hanggang ngayon ay naiisip ko'ng kaya ko pa Na dugtungan ang lahat ng alaala Sa ibang araw, sa ibang oras Ngunit hindi na sa'yo. Patuloy lamang ang takbo ng oras Hindi na kailanman babalik o hihinto Kung ano ang natapos ay hindi na dapat pa na ipagpatuloy Ngunit bakit nandito pa rin ako, mahigpit na nakakapit sa nakaraan? Sa kagustuhang maalala pa rin ang masaya at masakit nating kasaysayan, hindi ko na nagawang sumabay pa sa agos...
composition of my thoughts and feelings in the forms of a poem, short stories, songs, rants...