KIBO Nawiwili akong pagmasdan ang balong at ang mga taong namamasyal. Maganda tignan ang paligid dahil dama mo ang sigla. Nakadagdag din ang nakamamanghang kulay ng dapit-hapon at ang paisa-isang pagsindi ng ilaw ng mga poste na nakapaligid sa parke sa ganda nang tanawin. Ramdam ang nag-aagaw na lamig ng gabi at ang init na mula sa hapon, tanaw ang pagdilim at natitirang liwanag ng kalangitan, rinig ang ingay ng nagdaang araw at ang dalang katahimikan ng gabi. Magulo. Payapa. Masaya. Taliwas sa namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa. Tahimik lang kaming kumakain sa isang magarang restawran, ngunit kahit anong elegante ng disenyo at kagarbo ang mga kagamitan ay hindi ko magawang pagtuunan ito nang pansin. Ramdam ko ang pagkabog ng aking dibdib, walang naglalakas loob na magsalita sa aming dalawa. Parehong kalmado ang hitsura at kalkulado ang pagkilos, pilit na iniiwasang magkamali. Tila nagpapakiramdaman dahil pareho naming alam na isang salita, isang sa...
composition of my thoughts and feelings in the forms of a poem, short stories, songs, rants...